PANOORIN! Tula Alay Ng Isang Batang Taga Marinduque Para Kay Pangulong Duterte!

advertisements


Batang makata mula Marinduque nagpasalamat kay President Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng isang tula.

Basahin ang buong nilalaman ng kanyang tula sa ibaba:

"Magandang araw po, sa taga It’s Showtime
Lalo kay Ate Vice, sa inyong lahat diyan
Ako ay nagsadya, sa inyong harapan
Upang makiusap, ako ay payagan
Tula sa pangulo dito sa programa, kanyang mapakinggan.
Magandang araw po, kagalang-galangan
Mahal na pangulong, kapitag-pitagan
Sa sandaling ito, sa’yo po’y nagpupugay.
Ako po ay batang, taga Marinduque
Hinubog sa aral at gawang mabuti
May takot sa Diyos sa droga’y tumanggi
Bawal magpasaway, ng hindi magsisi.
Sa aking panonood, ng mga balita
Aking namamasdan, ang inyong mga mukha
Sa loob at labas, nitong ating bansa
Aking namamalas, ang inyo pong mga gawa.
Sa murang isip ko, akin pong nalaman
Kayo ang pangulong, mabait matapang
Puso’y maawain, laging mapagbigay
Sa lahat ng taong, nangangailangan.
Subali’t kung taong matigas ang ulo
Sa bayan ay pasaway, ayaw magbago
Lipulin ang salot, sakit ng gobyerno.
Ako po ay kampi, sa inyo ay panig
Alam kong tama lang, parusang ginamit
Kung hindi gagawin, kastigong makisig
Mas lalong darami, mga taong adik.
Para po sa akin, bilang isang bata
Sa aking paglaki, paligid ko’y payapa
Saan man magpunta, makisalamuha
Saan mang panig, sulok nitong bansa.
Kaya salamat po, sa pagmamalasakit
Lipulin ang salot, sa aming paligid
Kami ay mamuhay, ng walang ligalig
Puno ng pangarap, payapa’t tahimik.
Ako po ay mayroon, isang kahilingan
Na dapat idulog, sa inyong harapan
Bilang pagkilala, sa inyong tagumpay
Nais kong personal, kayong makamayan.
Kung mangyari iyon, sa’kin ay biyaya
Na dapat ipagbunyi, ng isip ko’t diwa
Itong Pilipinas ay malayang bansa
Lahat pantay pantay, may isang bandila.
Sa aking pagtanda, di ko lilimutin
Na isang pangulong, nagmulat sa akin
Akoy magtiwala, sa kanyang layunin
Siya’y inspirasyon, saan man makarating.
Kaya salamat po, ako’y pinakinggan
Binigyang pansin, tula kong inialay
Sa isang pangulong, dangal nitong bayan.
Salamat Ate Vice sa iyong kabaitan
Aking habilin, pusong nagmamahal
Ika’y mayakap, ng buong paggalang
Regalo mong tablet, aking iingatan."
advertisements

LIKE OUR FACEBOOK PAGE MGA KA-DDS

Loading...

No comments:

Powered by Blogger.