Jul 14, 2017

Patay Ang Shabu Supplier Na Kasama Sa Pumatay Ng Pulis Sa Taguig Matapos Manlaban!

advertisements

Patay sa isang illegal drug raid ang pulis na si PO1 Jovy Elchico matapos barilin sa ulo ng isa sa tatlong lalaking durugista na kanya sanang aarestuhin sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Taguig City.

Ginagamot naman sa isang ospital ang 2-anyos na si Miguel Deinla, na tinamaan ng ligaw na bala sa kanang braso.

Nakatakas naman ang nakabaril sa suspek na si Alvin Alcantara-Salvador “alias Bino”, nasa hustong gulang.

Naaresto naman ang mga kasamahan nitong sina Joselito Nemis “alias Tolits” at Jemuel John Olmuedo, kapwa nasa hustong gulang at nakuhanan ang mga ito ng plastic  sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa isang bahay sa may Manosca St., Brgy. Calzada Tipas ay nakatanggap ng impormasyon ang Taguig City Police PCP 5 mula sa isang concerned citizen na may nagaganap na pot session  sa lugar.

Mabilis na rumesponde si PO1 Elchico at ang dalawa pang kasama nitong pulis at naaktuhang sumisinghot ng droga ang mga suspect.

Nang aarestuhin na ang mga suspect ay bumunot ng baril si Salvador at inunahan nitong barilin si PO1 Elchico na tinamaan sa ulo na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Mabilis na tumakas si Salvador  habang ang dalawang kasamahan nito ay naaresto.
advertisements
Source: News 5

LIKE OUR FACEBOOK PAGE MGA KA-DDS

Loading...

No comments:

Post a Comment