0

11 members ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang patay sa dalawang airstrikes ng militar sa Datu Salibo sa Maguindanao.
advertisements
Ayon sa Philippine Army 6th Infantry Division spokesman Capt. Ervin Encinas, target ng opensiba ang isang Kumander "Bungos" ng BIFF at tatlong (3) dayuhang terorista.

Kasama rin sa nasawi ang Senior Jemaah Islamiah member at kilalang bomber na si Mohammad Ali alias Muawiyah.

Dagdag pa ni Encinas na marami ring miyembro ng BIFF ang sugatan sa operasyon sa mga barangay ng Andavit at Tee na umanoy pinagkakampuhan na ng grupo ni Kumander Bungos.

Magdamag daw na binomba ng militar ang kuta ng BIFF gamit ang 105mm howitzers vannon at dalawang FA-50 fighter jet ng Philippine Air Force.

Samantala, aabot sa 3,000 pamilya ang napuwersang lumikas dahil sa nasabing operasyon.

Panoorin po ang bagsik ng FA-50 Jet Fighter sa video  below (Disclaimer: Not the actual airstrike mentioned above):

advertisements
Source: Youtube, BomboRadyo


Loading...

Post a Comment

 
Top