0

Patay ang walong crew members ng isang fishing vessel sa karagatan ng Siromon Island, Zamboanga City matapos atakihin ito ng mga hinihinalang pirata.
advertisements
Ang nasabing insidente ay ini-report ng Sangali Barangay Chairman Daud Bakil at ng isang Kervin Banahan, Martes ayon sa Zamboanga City police.

8 p.m. ng lunes sinasabing tinambangan ng limang armadong kalalakihan ang M/B Hulbot Hulbot sa karagatan ng Siromon Island.

Walo ang namatay sa pag-ataki samantalang nakatakas naman ibang kasamahan ng biktima sa pamamagitan ng pagtalon sa tubig.

Nailigtas naman ng Philippine Coast Guard sina Norman Sakandal at Ervin Banaan habang hinahanap pa rin ng mga awtoridad ang lima pa nitong kasamahan.
advertisements


Loading...

Post a Comment

 
Top