0

Grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), binantaan ng Impeachment Complaint si Ombudsman Conchita Carpio-Morales dahil mabagal na kilos nito sa kaso ng Mamasapano Massacre.
advertisements
Kung hindi pa raw magigising si Morales sa isyung dapat nilang aksyunan ay pag-aaralan na nila pagpapatalsik sa Ombudsman, ayon kay VACC chair Dante Jimenez.

Binigyang diin ng VACC chair ang kawalan ng Ombudsman ng aksyon sa paghahain ng multiple homicide charges laban kay Dating Pangulong Benigno Aquino III, dating Philippine National Police chief Alan Purisima at dating Special Action Force director Getulio Napeñas Jr.

Matatandaan na naghain lamang si Morales ng graft at usurpation of public charges laban kay Purisma at Napeñas.

Apela ni Jimenez, sinadya ng Ombudsman na hindi isama sa kaso si Aquino dahil ito ang nagtalaga sa kanyang pwesto.

Giit pa nito, graft lamang ang inihain ni Morales taliwas sa sinampa isinumite nilang multiple homicide na may 44 counts.
advertisements

Loading...

Post a Comment

 
Top