Header Ads

Tingnan Ang Pagdating Ng Anti-Sub Warship Ng Russia Sa Manila South Harbor Para Sa "Goodwill Visit" Nito!


Dumating ang isang Anti-Submarine Warship ng Russia sa Manila South Harbor para sa isang "Goodwill Visit" tanda ito ng tumitibay na ugnayan ni President Rodrigo Duterte at ng Moscow.
advertisements
Ang 'Admiral Tributs' ay isang Udaloy- class anti-submarine destroyer na nakatakdang dumaong kaninang alas 9 ng umaga January 3, 2017.

Ayon sa Philippine Navy ay magbibigay ng training ng kanilang weapons and tactics ang mga marines ng Admiral Tributs.

Magkakaroon din ng goodwill games at tour sa mga World War II landmarks sa Manila at Cavite province.

Matatandaang nagkita na si President Duterte at Russian President Vladimir Putin sa nakaraang Asia-Pacific Economic Cooperation meeting sa Peru noong Nobyembre.

Inimbitahan din ni Putin si Duterte at nakatakdang bumisita ang ating pangulo sa Russia ngayong Abril o Mayo.

Ayon kay Defence Secretary Delfin Lorenzana, nag-offer ang Russia na magbinta ng submarine, drones at sniper rifles sa Pilipinas.

The Admiral Tributs. Photo by AGENCE FRANCE-PRESSE

advertisements

Loading...

No comments:

Powered by Blogger.