Header Ads

Breaking News! Patay Ang Isang Bata Sa Suffocation Matapos Maiwanan Sa Loob Ng Sasakyan.


Natagpuang patay ang isang walong taong gulang na batang babae sa loob ng isang kotse hiniram lamang ng kanilang pamilya para makapag-mall sa Pasay City, Miyerkules.
advertisements
Ayon sa balita ng GMA News, aksidente raw na naiwang natutulog ang bata sa loob ng kotse nang isauli ito sa may-ari.

Paliwanag ng stepmother ni Janna Jacobe na nag-mall lamang ang pamilya buong gabi ng Martes at nakauwi lamang sa alas 3 ng madaling araw.

Napansin lamang ng pamilya na nawawala si Janna ng nasa bahay na sila ng Miyerkules. Buong araw daw nilang hinanap ang bata hanggang naisip nilang tingnan kung nasa sasakyan pa si Janna.

Kinagabihan nakita na nilang patay ang bata sa back seat ng kotse.

Sa initial investigation napag-alaman na suffocation ang ikinamatay ng bata.

Samatala, maari naman makasohan ang driver ng kotse ng negligence resulting to homicide.

Panoorin ang video report ng GMA News sa ibaba.
advertisements

Loading...

No comments:

Powered by Blogger.