0

Mismong ang sumaksak kay Jaybee Sebastian ang umaming sina Senator Leila De Lima at Antonio Trillanes IV ang mastermind ng New Bilibid Prison stabbing incident.
advertisements
Sa affidavit ng inmate na si Tomas Doniña inamin niyang inatake niya si Sebastian noong September 28 sa utos ng dati niyang kasamahan sa Philippine Navy para mapigilan ang high-profile inmate na tumestigo laban kay De Lima tungkol sa illegal drugs.

Tumawag umano ang dating kasamahan niya sa Navy para sa ipapatay si Jaybee Sebastian noong nagsimula ang imbestigasyon ng Kamara kapalit ang pagpapalaya sa kanya sa kulongan.

"Sabi niya, hindi dapat makapagsalita laban kay Ma'am De Lima si Jaybee Sebastian. Sinabi din niya na kung magagawa kong patayin si Jaybee Sebastian at mapatalsik sa Malacañang si President Rodrigo Duterte ay sila ang bahala na gumawa ng paraan para ako ay mapalaya. Sabi pa ng kausap ko, 'Babagsak ang Duterte administration'," sabi ni Doniña.

"Gayun pa man, binilin niya sa akin na kapag natunugan ko na magsasalita si Jaybee Sebastian laban kay Ma'am De Lima ay tuloy ang plano. Pero kung hindi siya babaliktad kay Ma'am cancel ang plano."

"Tinanong ko siya kung si Ma'am De Lima ba ang nagpapapatay kay Jaybee Sebastian. Ang sagot niya sa akin ay nagsanib pwersa sina Senator Antonio Trillanes IV. Sinabi rin niya sa akin na huwag akong mag-alala dahil madami silang kapanalig at kung magagawan ko ng paraan na mapatay si Jaybee Sebastian ay hindi magtatagal, lalaya ako basta maniwala lang ako sa kanya," ayon sa affidavit.

Nagtamo si Sebastian ng sugat sa kamay at sa tiyan samantalang tatlong iba pang mga inmates ang nasugatan habang ang drug lord na si Tony Co ay napatay sa nasabing insidente.

Mariin namang itinanggi nina De Lima at Trillanes ang paratang sa pananaksak kay Sebastian.
advertisements

Loading...

Post a Comment

 
Top