0

Pinagbibitiw ni President Rodrigo Duterte ang lahat ng opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ito ay sa kadahilanang nakatanggap ang Pangulo ng intelligence reports kaugnay sa mga illegal na gawain sa ERC.
advertisements
Ilan sa mga anomalyang ito ay ang mga kwestiyonableng appointments, naparaming consultants at kung paano nila hawakan ang kanilang mga kontrata.

Hihilingin din daw ng Pangulo sa kongreso na buwagin na ang ERC at i-reorganize ito.

Maalalang nagpakamatay ang isa sa mga head ng bids and awards committee ng Energy Regulatory Commission na si Dir. Francisco Villar Jr. ilang araw na ang nakalilipas.

Ito ay dahil daw sa panggigipit sa kanya (Villar) para aprubahan ang ilang mga procurement contracts at pagtanggap ng mga consultants ng walang kaukolang bidding at proseso.
advertisements

Post a Comment

 
Top