0

Nag-issue ang Department of Justice (DOJ) ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay Sen. Leila De Lima at iba pang mga personalidad na involve sa Bilibid illegal drug trade.
advertisements
Kasama din sa nasabing order ay ang dating DOJ undersecretary Francisco Baraan III, dating Bureau of Corrections Chief Franklin Jesus Bucayu, dating Presidential Anti-Organized Crime Commission Director Reginald Villasanta at mga former aides ni De Lima na sina Ronnie Dayan at Joenel Sanchez.

Naidagdag din sa listahan sina Mark Noemin Adricula, Warren Cristobal, at Jose Adrian Dera.

Iniutos ni DOJ Secretary Vitaliano Aquirre II sa mga immigration officers ng Bureau of Immigration na bantayan at ipagbigay alam sa DOJ, NBI at Office of the Security information ang mga nasabing personalidad.

Sinagot naman ni De Lima na wala daw siyang balak umalis ng bansa.

"Huwag ho kayong mag-alala dahil wala po akong kabalak-balak na umalis ng Pilipinas para iwasan yung ihahain niyo sa akin na mga kaso," ayon kay De Lima.

"Inosente po ako. Ang guilty lang po ang tumatakas," dagdag nito.
advertisements

Post a Comment

 
Top