1

Naaresto kahapon ang isang high value drug supplier sinasabing live-in partner ng isa sa mga security detail ni Vice President Leni Robredo na si PO3 Joey Regulacion.
advertisements
Sa isinagawang Oplan Tokhang, kahapon sa Barangay Culiat, naaresto ang isang alyas “Olive” na isa sa mga high-value target sa lungsod dahil sa pagiging supplier umano ng ilegal na droga.

Si Olive ay sinasabing live-in partner ni Regulacion na bahagi ng security detail ni Robredo at partikular na nakatalaga sa Office of the Vice President sa New Manila.

Sa statement ng tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez, pinabalik na muna sa kaniyang mother unit si Regulacion habang isinasagawa ang imbestigasyon ng PNP.

Dagdag pa ni Hernandez na batay sa opisyal na report ng QCPD, nasa listahan ng Oplan Tokhang ang ka-live in ni Regulacion.
advertisements
Related video below:


Post a Comment

 
Top