0

Iniharap sa mga mamamahayag ng Quezon City Police District (QCPD) ang naarestong half-brother ng singer na si Lea Salonga at dalawang iba pa na pawang supplier umano ng party drugs.
advertisements
Sa isang presscon ipinakita ni QCPD Acting Director Sr. Supt. Guillermo Eleazar ang drug matrix kung saan si Philip Salonga ang lumalabas na kinukuhanan ng supply ng iba pang naaresto na sina Edward Nelson Jose at Nathaniel Adrian Cruz.

Iniimbestigahan ngayon ng QCPD kung may customer na celebrities ang tatlo.

Sinabi ni Eleazar na nag-ooperate ang tatlong suspek sa buong Metro Manila at mga partygoers ang kadalasan nilang parokyano.
advertisements

Post a Comment

 
Top