0

Ang anim na testigo na ihaharap ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa pagdinig ng Bilibid Drug Trade ngayon ang magdidiin raw kay Sen. Leila De Lima na isa sa mga dahilan ng paglaganap ng droga sa National Bilibid Prison (NBP).
advertisements
Ang mga testigo ito ay sina Rafael Ragos, Jovencio Blando, Rodolfo Magleo, Joel Capones, Jaime Pacho and Herbert Colangco.

Ayon sa impormasyon na ini-report ng News 5 Everywhere, si Jaybee Sebastian na lider ng gang sa Bilibid ang nag-utos sa ibang lider din ng gang na magbenta ng 20-50 kilos ng droga para mapondohan daw si Sec. De Lima na nagpaplano pa lang noon na tumakbo sa pagka-senador.

Ayon din sa report si Colangco daw ang magpapatunay sa sinasabing pag-utos ni Sebastian na kumalap ng pondo para kay De Lima at magbibigay din ito ng detalye kaugnay sa 3 milyon payola kada buwan para sa Senadora.

Kapalit daw ng lahat ng mga pondong ito ay ang "Proteksyon" para sa mga drug lords at "Special Treatment" sa loob ng Bilibid.

Panoorin po ang buong video report ng News 5 Everywhere sa ibaba:
advertisements

Post a Comment

 
Top