0

Nag-issue na nang memorandum ang Defense Secretary Delfin Lorenzana na nag-uutos sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na simulan na ang paghahanda sa pagpapalibing ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Linggo.

Ang nasabing memorandum ay nakatukoy para kay AFP Chief of Staff General Ricardo R. Visaya.

Ibinaba ang nasabing memorandum bilang pagsunod sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang isa sa ipinangako niyang pagpapalibing sa dating Pangulo sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon sa memorandum, inuutosan ang AFP na makipagtulongan sa pamilyang Marcos tungkol sa pagbibiyahe sa mga labi mula Ilocos Norte at sa petsa ng libing.

Inutosan din ni Lorenzana si Visaya na mag-sumite ng implementing plan sa lalong madaling panahon.

Related Video:


Source: GMA News

Post a Comment

 
Top