0
Viral - Pagpatay Sa Isang Drug Pusher, Huli Sa CCTV

Sapul sa CCTV noong Hulyo 6 ang pagpaslang sa isang tulak ng droga sa Barangay Vitas, Cabanatuan City.

Kinilala ang tulak ng droga na si Macario Ignacio. Makikita sa CCTV footage na inabangan muna ng dalawang vigilante na nakasakay ng motorsiklo si Ignacio bago ito patayin.

Sa kuha ng CCTV, makikitang nagtatakbo si Ignacio habang hinahabol ng gunman.

Tinadtad ito ng bala sa likod at binalikan pa ito para barilin sa ulo.Hindi makilala ang mga vigilante dahil nakatakip ang mga mukha nila.

Si Ignacio ay matagal nang minamanmanan ng otridad. Kasama umano ito sa listahan ng durugista ng Philippine National Police – Cabanatuan City.

Ayon mismo sa kapatid ng pusher na si Gregorio Ignacio, nahuli na raw si Macario sa pagtutulak ng iligal na gamot pero hindi nagtagumpay ang kaso.

Pumasok pa raw bilang contruction worker ito pero hindi nagtagal ay bumalik rin sa pagiging pusher.

Matagal na raw niyang sinasabihan ang kapatid na magbago buhay na, dahil wala papupuntahan ang pagbebenta nito ng bawal ng gamot.

Ayon naman sa hepe ng Cabanatuan City PNP na si Supt. Joeslito Villarosa, hindi sila pabor sa vigilantism at kailangan pa rin raw dumaan sa legal na paraan ang pagpaparusa sa mga drug personality.

“Naniniwala po ako na mayroon tayong batas na dapat sundin” dagdag pa ni Villarosa.

Unti-unti naman nagtutumbahan ang mga salot sa lipunan dahil sa malawakang kampanya ni President Rodrigo Duterte kasama ang liderato ng PNP. Sa kasalukuyan meron ng mahigit 300 na drug personalities ang napupulbos.



Post a Comment

 
Top