0
Paglalagay Ng PNP Ng Mga SAF Commando Sa Bilibid Nagsimula Na

Nagsimula na ang mga miyembro ng PNP Special Action Force na kunin ang kanilang mga posisyon sa New Bilibid Prison sa Martes.

Ayon sa ibang mga opisyales, mas marami pang SAF members ang nakatakdang dumating Martes ng gabi upang makaabot sa turnover ceremony sa Miyerkules umaga.
Nauna ng tinalakay ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre at PNP chief Director General Ronald "Bato" Dela Rosa planong paglalagay ng mga SAF commandos sa Bilibid upang mabawasan ang mga illegal na aktibidad at mga special accomodations sa mga ilang "VIP inmates" sa loob.

Sinalubong naman ng chaplain ng NBP na si Monsignor Roberto Olaguer ang paglipat.

"Kung ito makakadagdag sa safety aspect ng pagbabantay ng Bureau of Corrections, maganda. Alam naman natin na bakit marami pa rin nakakapasok na illegal items dito,"  sabi pa ni Olaguer.

Maging ang mga jail guards ay tinatanggap ang pagdating ng mga elite policemen na ito.

"Lalong maganda kasi masaya, marami kami rito," ayon kay Jo2 Apolinario Manto.

"Katulong sila, katulong kami. Sama-sama kami," dagdag pa nito.
Related video by GMA News:


Source: GMA News

Post a Comment

 
Top