0

MANILA, Philippines - Itinalaga ni President Rodrigo Duterte ang dating Gabriela Womens party list representative Liza Maza bilang chairman ng National Anti-Poverty Commission (NAPC), sa Malacañang Friday, July 1.

Sabi ni Maza, kinumpirma ng Pangulong Duterte ang appointment pagkatapos siya at iba pang mga activist leaders ay nakipagkita sa ating Pangulo sa Malacañang noong Huwebes, June 30, upang ipresenta ang kanilang "People's Agenda for Change" ilang sandali lamang pagkatapos ihirang bilang bagong Chief Executive ng bansa si Duterte.



Sinabi rin ni Maza na tinanggap niya ang appointment na ito sapagkat ito ay isang pagkakataon upang makatulong tungo sa pagbabago ng bansa. Sinabi din niyang siya ay itutuon niya ang kanyang pansin sa rural development.

"Bilang NAPC head, ibibigay ko ng lubos ang aking makakaya para tugunan ang mga responsibilidad at pangangailangan para maisakapatuparan ang agenda ng pamahaalan para sa mahihirap," sabi niya.

Kilala bilang isang matapang na tagapatanggol ng karapatan ng kababaihan, makikita si Maza bilang isang malakas na boses para sa mga kababaihan sa isang male-dominated na Duterte Cabinet

Noong siya ay isang Gabriela representative, kabilang si Maza sa mga may-akda ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, ang Anti-Violence in Women and Children Act, at ang Juvenile Justice Act.

Pagkatapos siyang matalo sa eleksyon bilang Senador noong 2010, Pinangunahan ni Maza ang Working for Empowerment and Good Governance Institute (WeGovern), na nagsasagawa ng pag-aaral, pagsasanay, pananaliksik, at mga gawain pang adbokasiya "to advance new politics with gender and democratic governance at its core."

Nakuha ni Maza ang kanyang Bachelor of Science in Business Economics degree mula sa University of the Philippines Diliman noong 1978.

Sa kanyang profile sa site GWP, siya ay inilarawan bilang isang feminist at isang "mapagmahal na ina sa dalawang anak na lalaki".

Source: Rappler

Post a Comment

 
Top