0

Binalaan ng Malacañang ang mga motorista sa paglalagay ng "Duterte plates" sa kanilang mga sasakyan para makalusot sa batas trapiko, hinikayat din ang publiko na magbantay sa mga motoristang inaabuso ito.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar na inutos ng Pangulong Duterte na huwag hayaan ang mga motoristang gumagamit ng mga plakang may tatak ng pangalan nang pangulo para lamang makaiwas sa parusa sa paglabag ng batas trapiko.
"Equality, Fairness and Justice," yan ang ating Presidente Duterte sabi ni Andanar sa government owned na dzRB radio.

Dagdag pa ni Andanar na kung mayroon kang mga ulat o personal na nakitang pag-aabuso ng mga motorista gamit Duterte plates ay maaari po lamang kontakin ang Presidential Communications Office upang magawan ng report at maiparatang mismo sa pangulo.

Napag-alamang may ilang mapagsamantalang indibiduwal ang nagbebenta ng mga license plates na may nakatatak na "DU30" o "Duterte" at nagsasabing maaaring gamitin ito upang maiwasan ang number coding policy ng siyudad at pangalagaan sila mula sa nangongotong na mga traffic enforcers.

Kilala ang Presidente na strikto pagdating sa batas trapiko kahit na noong siya ay Mayor pa lamang ng Davao City.

Minsan din naiulat sa media na mismong ang Presidente ay dati na ring natiketan sa dahilan hindi pagsusuot ng helmet habang minamaneho ng kanyang motorsiklo sa lungsod.
Source: Inquirer

Post a Comment

 
Top