0
Drug Lord sa Mindanao na Sinasabing "Drug Queen Of The South" Natimbog

Isang big-time illegal drug dealer na nag-ooperate sa limang rehiyon sa Mindanao ang naaresto ng mga awtoridad sa Sabado ng umaga, Hulyo 23, sinasabing isa ito sa pinakamalaki na natimbog mula nang nagdeklara ang Pangulong Rodrigo Duterte nang giyera laban sa droga sa bansa.
Dala ang isang search warrant, ni-raid ng mga Cagayan de Oro City Police Office (Cocpo) operatives at ng Philippine Drug Enforcement Agency-Northern Mindanao region (PDEA 10) ang residential compound na pag-aari ni Johaira Abinal at ng kanyang asawa, isang military officer, sa Grand Ballon, Barangay Kauswagan.

Naiulat din na dating alkalde nang bayan ng Maguing sa Lanao del Sur si Abinal.

Pake-paketeng pinaghihinalaang 'shabu' na umaabot sa 200 gramo, cash, at isang .45 caliber pistol at mga bala ang nakumpiska sa loob nang two-story house ng mag-asawa.

Ayon sa PDEA Northern Mindanao regional director Adrian Alvaro na ang prime suspect ay ang di-umano'y lider ng Abinal drug group na siyang pinakamalaking supplier ng 'shabu' sa rehiyon ng Davao, Northern Mindanao, Caraga, Soccsksargen, at Autonomous Region in Muslim Mindanao (Arm).

“My husband is not involved in any crime. He came from a good family,” tanggi naman ni Abinal sa mga paratang sa kanila.

Post a Comment

 
Top