0

Isang araw matapos ang opisyal na pagbaba sa posisyon ng dating pangulong Benigno Aquino III ay humarap na agad sa reklamong multiple homicide sa Ombudsman hinggil sa pumalpak na Mamasapano operation, ang pinakamalalang krisis na nangyari sa kanyang administrasyon noong nakaraang taon.

Nagtungo ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Office of the Ombudsman sa Biyernes at nagsampa ng reklamong nag-aakusa kay Aquino ng reckless imprudence resulting to homicide sa kanyang di-umano'y papel sa pumalpak na "Oplan Exodus" operation na kumitil sa buhay ng 44 Special Action Force (SAF) cops.

Sinampahan din ng kaparehong reklamong sina Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at natanggal na SAF director Getulio Napeñas.

Sinamahan ni VACC chairman Dante Jimenez ang mga kamag-anak ng ilan sa mga napatay na pulis, sina Erlinda Allaga, ina ni PO3 Robert Allaga, at Warlito Mejia, ama ni PO2 Ephraim Mejia sa pag-file ang reklamo sa Ombudsman.

Ayon sa inihaing reklamo, si Aquino ay dapat managot sa "brutal bestial deaths" ng mga ellite cops "dahil sa kapabayaan, kawalang-ingat, kakulangan ng foresight at kawalan ng kakayahan sa pagpaplano, paghahanda at pagpapatupad ng Oplan Exodus."

Sina Allaga at Mejia bilang complainants ay nagsabi na "Ang mga criminal negligence ni Aquino ay binubuo ng kulang na pagpaplano ng Oplan Exodus at hindi mapapatawad na kapabayaan at ang pag-apruba sa operasyon kahit na alam niya itong may butas."

Samantala, sinabi din ng mga complainants na dapat ding managot si Purisima ng homicide dahil sa paglahok nito sa operasyon kahit na meron pa itong graft suspension at hindi pakikipagtulungan kina Espina at Roxas.

Source: Inquirer

Post a Comment

 
Top