0

MANILA, Philippines - Parang kuha mula sa isang maaksyong pelikula ang pangyayari sa loob ng Manila Police District (MPD).

Isang baguhang pulis na bangag sa droga ay nagwala sa loob ng Manila Police District (MPD) headquarters at tinatakot ang mga humaharang sa kanya, habang ang Special Weapons and Tactics (SWAT) team sinusubokan siyang i-neutralize..
Pagkatapos ng ilang mga minuto ay nagkaputokan na, si Police Officer 1 Paul Vincent Solares ay nakorner ng kanyang mga kasamahan kahapon sa ikalawang palapag ng MPD building, ng ilang metro lamang mula sa opisina ng mga incoming district director Chief Superintendent Napoleon Coronel.

Batay sa imbestigasyon, Si Solares, na nakadestino sa MPD-station 11 Sa Divisoria, ay unang nagpunta sa Station 4 sa Sampaloc bandang 2:30 ng hapon at napag-alamang nagbabantang papatayin ang lahat ng taong makikita niya.

Isang menor de edad na nagpunta sa headquarters upang maghain ng reklamo matapos diumano'y na-manhandled siya ng suspect bago nagpaputok sa hangin.

Si Solares, na noon ay sa nakauniporme pa, ay sumakay sa kanyang motorsiklo at pumunta na sa MPD headquarters dakong alas 3:00 ng hapon.

Isang PO2 Billy de la Cruz, na nakatalaga sa lobby desk ng MPD sa panahong iyon ay nagsabi na nakita niya si Solares at isa pang pulis na dumaan kanyang table.

Ilang segundo ang lumipas ay nagsimula na si Solares na magwala at pinagsisipa ang naka-frame na mga larawan nina Estrada at outgoing district director Chief Superintendent Rolando Nana na nakasabit sa pader. Pagkatapos ay nagpaputok siya ng dalawang beses.

Si De la Cruz ay bumunot ng kaniyang baril at pumuwesto malapit sa main door, habang si homicide investigator PO3 Joselito Lopez madaling lumabas pagkatapos marinig ang kaguluhan.

Ilang minuto pa'y dumating na ang mga SWAT personnel, na nag-utos ng lockdown sa buong pasilidad.

Pagkatapos ng dalawang putok ng baril sa pagitan ng SWAT team at ni Solares ay sumuko na ang suspek.

Sinabi ng suspek, na halatang bangag sa droga na gusto niyang patayin si Estrada ngunit hindi binangit kung bakit.

Pagkatapos ay humingi siya ng abogado at sinabing hindi siya magsasalita ng kahit ano pa.

Iniutos ng Coronel ang isang masusing pagsisiyasat kay Solares sa kanyang mga aksyon at ang agarang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Panoorin ang Video ng Bangag na Pulis na namaril sa ibaba.



Post a Comment

 
Top