0
Bakit Nga Ba Pilit Inaagaw Ng China Ang West Philippine Sea?

Marami marahil ang nagtatanong kung bakit pilit na inaangkin ng China ang West Philippine Sea. Bakit nga ba? Sa artikulong ito ay makikita natin kung ano talaga ang pakay ng China sa ating mga karagatan at mga isla.

Trade Routes

Ang Spratly Islands ay isang strategic location kung saan dumadaan ang ruta ng kalakalan (trade routes) sa pagitan ng Europa at sa Gitnang Silangan, mula sa Indian Ocean patungong Malacca Strait hanggang sa South China Sea at patungong South Korea at Japan.

Malaki ang epekto nito sa lahat ng kung sino man bansa ang makakaangkin ng sinasabing mga isla. Tinatayang 33 percent ng lahat ng Maritime Trade sa buong mundo ay dumadaan dito. Ang bansang makakakontrol sa mga sinasabing disputed areas ay siguradong magkakaroon ng malaking pag-unlad sa ekonomiya.

Oil Reserves

Ang isa pang dahilan ay ang langis (oil reserves) na tinataglay nito. Noong 1989, inihayag ng China na ang Spratly Islands ay naglalaman ng 25 billion cubic meters ng natural gas, 105 bilyong barrels ng langis at 370,000 tons ng pospor (phosporus).

Yamang Dagat

Ang West Philippine Sea ay isang malaking fishing grounds na kung saan nangingisda na ang mga Pilipino mula pa noong Spanesh Colonization era.

Sa mga kadahilanang ito kaya pinipilit ng China na sa kanila West Philippine Sea. 
More News: Juan News

Post a Comment

 
Top