0

MANILA, Philippines - Ibinasura nang Supreme Court (SC) ang petisyon na naglalayong ipa-walang bisa ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na pagbigyan ang kahilingan ng Liberal Party sa extension ng deadline pagpasa ng kanilang Statement of Contributions at Expenditures (SOCE).

Sa isang session  nila kahapon, napag-pasyahan ng mga SC justices na ibaliwala ang petisyon na inihain ni retired Army Col. Justino Padiernos ng People's Freedom Party at abugadong si Manuelito Luna ng 1-Abilidad party-list noong nakaraang linggo.

Ito'y sa kadahilanang nabigo ang mga naghain ng petisyon na magsama ng isang duplicate original o certified copy of the Comelec resolution na kinakailangan daw ayon sa ilalim ng section 5, rule 64 of the Rules of Civil Procedures.

Naghain ang mga nagpetisyon sa Comelec resolution noon lamang Lunes ng hapon.

Sa kanilang petisyon, Iginiit nina Padiernos at Luna na ang 30 araw na deadline ay na-set sa ilalim ng Republic Act 7166 (Synchronized Local and National Elections and Electoral Reforms Act) at na ang poll body "ay kinakailangan ipatupad at pangasiwaan ang lahat ng mga batas sa halalan at regulasyon na kaugnay ng pagdaraos ng halalan, plebisito, initiative, reperendum at recall ayon sa konstitusyon. "

Idinagdag pa ng mga petitioners na ang desisyon ng Comelec ay "hindi patas" at nagtakda lamang ng isang masamang alinsunuran.

Nakatakda ding maghahain ng katulad na petisyon sina President-elect Rodrigo Duterte at ang kanyang mga kapartido sa PDP-Laban sa SC ayon kay Davao del Norte Rep.-elect at incoming House speaker Pantaleon Alvarez.


Post a Comment

 
Top