0

Binigyan ng mga Basagolero sa Showbiz nang paunang tikim sa nalalapit nilang MMA fight ngayon June 25 ang mga fans nila sa social media nang nakunan ng video ang pagsipa ni Kiko Matos kay Baron Geisler nang magkita ulit ang dalawa kamakailan lang.

Mayroon nang mahigit kalahating milyong views ang kanilang video sa Facebook na makikita ang biglang pagsipa ni Kiko kay Baron habang kasama nila ang ilang opisyal ng kanilang sagupaan sa URCC.

Makikita sa video ni Robinstone Rodriguez Morales, na nilapitan at niyakap ni Baron si Kiko na tila may ibinubulong.

Hindi nagtagal, biglang itinulak at sinipa ni Kiko si Baron na tinamaan sa sikmura.

Tinawanan lang ni Baron ang insidente.


Source: GMA News

Post a Comment

 
Top