0

Ang President-elect Rodrigo Duterte ay agad na magtatrabaho pagkatapos na pagkatapos ng kanyang inauguration sa Huwebes, yan ang sabi ni incoming Communications Secretary Martin Andanar, Miyerkules.

“Sabik nang magsimula  sa trabaho ang Presidente Duterte pagkatapos na pagkatapos ng kanyang inauguration,” sabi ni Andanar.

Sinabi din ni Andanar na ang Davao-based fashion house Chardin ay gumawa ng barong Tagalog na gawa sa piña jusi kapares ang black cotton pants para isuot ni Duterte.

“He (Duterte) wanted to add a symbol that will represent the 11 minorities in Mindanao. The tribal prints of the Manobo is the least complicated that’s why we have chosen that. Pinapakita din nito ang pagkasimple ng Presidente,” sabi ng nag design ng barong ni Duterte na si Adaza.

Isang simpleng meryenda ang ihahanda ng Malacañang Palace caterer Via Mare para sa mga bisita ni Duterte sa kanyang inauguration.

Limang mga uri ng pagkain ang ang bubuo sa menu, lumpiang ubod (coconut pith spring roll), pandesal na may kesong puti (white cheese made from unskimmed carabao’s milk) at grilled on the spot na Vigan longganisa (sausage from Northern Ilocandia), monggo soup mixed na may pinausukang isda at alugbati (malabar spinach), pritong hiniwang saging na saba (Carbava banana) o maruya at Durian tartlet.

Maghahain din para sa mga bisita ng palamig na pine-mango at dalandan juice. Sinabi din ni Andanar na magsisimula ang Inaugurial activities alas 10:30 a.m. at magtatapos around 4:00 ng hapon.

Source: Inquirer

Post a Comment

 
Top